Halos 200 LGU officials, kakasuhan dahil sa kapabayaan sa Manila Bay

Manila, Philippines – Planong kasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasa 178 na mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga lugar na nasa paligid ng Manila Bay.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, bubuhayin nila ang legal investigation committee ng DILG na binuo nila sa clean-up ng Boracay Island.

Kabilang sa mga nanganganib na kasuhan ay ang mga mayor, vice mayor at iba pang opisyal.


Sinabi ni Año na magiging balanse sila sa imbestigasyon dahil kailangan pa rin ng DILG ang tulong ng mga LGUs para sa paglilinis ng Manila Bay sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Sakali naman mapatunayan na mayroong nilabag ang mga LGUs sa Clean Water Act, solid waste management at nagpabaya sila kaya at dumami ang informal settlers kakasuhan nila ng administratibo ang mga ito.

Facebook Comments