Halos 200 local chief executives, pupulungin ngayong araw kaugnay ng Manila Bay rehab

Manila, Philippines – Magpupulong ngayong araw ang Department of Interior and Local Government (DILG) kasama ang 178 city at municipal mayors para bigyang linaw ang kanilang critical roles and responsibilities sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – layunin ng forum na ipaalala sa mga Local Chief Executives (LCE) ang kanilang papel sa rehabilitasyon ng look sa ilalim ng Supreme Court mandamus.

Tatalakayin din ang resulta ng kasalukuyang LGU environment compliance assessment maging ang status report tungkol sa informal settler families.


Base sa Supreme Court (SC) desisyon noong December 18, 2008 at resolution noong February 15, 2015, minamandato ang DILG at 12 iba pang national government agencies na linisin, ayusin at panatilihin ang Manila Bay mula sa man-made pollution.

Facebook Comments