Halos 200 mga bata, nabenepisyuhan ng Ma. Corrina Canoy Feeding Program sa Lucena City

Sa selebrasyon ng ika-13 anibersaryo ng RMN Foundation, isinagawa ng 106.3 iFM Lucena ang Ma. Corrina Canoy Feeding Program kung saan halos 200 na mga bata ang nabenepisyuhan sa Purok Riverside, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Kasabay din sa selebrasyon ang International Charity Day kaya naman, buong staff ng iFM Lucena ay nagpakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng pamamahagi ng mainit na lugaw at ilang handog na regalo para sa anibersaryo ng RMN Foundation.

Lubos naman ang tuwa nang tanggapin ng mga batang benepisyaryo ang toothpaste, sabon, bottled water, at nutribun—dahil bukod sa nabusog na sila ay may pabaon pa ang RMN Foundation.

Ang nasabing programa ay patuloy na tumututok sa mga bata para mapanatili ang kanilang kalusugan.

Facebook Comments