Maglalabas ang Department of Budget and management ng ₱187 Million na hiniling ng Department of Agriculture para resolbahin ang tumataas na bilang ng mga namamatay na baboy sa bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, nangako si Budget Sec. Wendel Avisado na ilabas ang pondo sa unang Linggo ng Setyembre.
Dagdag pa ni Dar, naniniwala si Avisado na kailangang resolbahin ang mga problemang kinakaharap sa sektor ng agrikultura.
Mula sa nabanggit na ilalabas na pondo, bahagi nito ay ibibigay bilang ayuda sa mga apektadong Hog Raisers.
Nilinaw naman ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo na ang hiniling nilang budget ay ginawa bago ang insidente ng pagkamatay ng mga baboy.
Gagamiti din aniya ang pondo para sa pagbili ng diagnostic kits na gagamitin sa surveillance at pagbabayad sa additional manpower.