Halos 200 pasahero, na-stranded sa tren sa loob ng 36 na oras sa US

42

Estados Unidos* – *Ligtas na nakarating sa Eugene, Oregon ang halos 200 pasahero matapos ma-stranded ng 36 na oras sa loob ng tren.

Ayon kay Amtrak Spokesperson Olivia Irvin – patungo sana ng Los Angeles, California ang tren nang kaladkarin nito ang isang puno na natumba sa riles dahil sa malakas na niyebe.

Aniya, sumailalim na sa maintenance ang tren pagkatapos ng insidente at ibabalik ito sa Seattle.

Nag-abiso na rin ang Amtrak na posibleng magkaroon pa ng pagkaantala sa biyahe ng mga tren papuntang norte.

Facebook Comments