Halos 200 pasahero stranded dahil sa Bagyong Tonyo

Ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang mandatory evacuation sa mahigit 2,000 pamilya dahil sa inaasahang pananalasa ng Tropical Storm “Ulysses” sa Bicol Region.

Ayon kay Catanduanes Gov. Joseph Cua, kabilang sa mga pamilyang inilikas ay mula sa mga coastal areas at mga nasira ang bahay dahil sa Super Typhoon Rolly.

Aminado naman si Cua na isa sa kanilang nagiging problema ngayon ang kakulangan ng mga evacuation center na nasira dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.


Una nang sinabi ni Cua na 65% ng mga bahay na gawa sa light materials at 20% ng mga malalaking bahay ang nawasak ng Bagyong Rolly.

Aabot naman sa 15,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyo habang anim ang naitalang nasawi at apat ang nasugatan sa lalawigan.

Facebook Comments