Halos 200 Pinoy mula Ukraine, nakatawid na ng border patungo sa iba pang bahagi ng Europe

Nasa 199 na mga Pilipino na sa Ukraine ang nakalabas na o nakatawid na ng border patungo sa iba pang European country sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon doon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Sarah Lou Arriola na nasa 63 ang mga Pilipino na ang nakabalik sa Pilipinas habang nasa 136 naman ang naghihintay na lamang na makauwi sa bansa.

Ayon kay Arriola, patuloy ang ginagawa nilang panghihikayat sa mga Pilipino doon na sumabay na sa repatriation flights ng pamahalaan.


Mayroon pa rin kasi aniyang mga Pilipino sa Ukraine ang nais manatili doon dahil sa kanilang pamilya, o dahil sa trabaho.

Kasunod nito, tiniyak ng opisyal na hindi pinababayaan ng pamahaaan ang mga Pilipinong nananatili sa Ukraine at mayroong financial aid na ipinaaabot sa mga ito.

Facebook Comments