Halos 200 pulis, nakatakdang i-dismiss sa serbisyo ng PNP-IAS

Manila, Philippines – Nasa kamay ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kapalaran ng halos 200 pulis na inirekomenda ng PNP Internal Affairs Service na matanggal sa pwesto.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, nasa 160 pulis ang nakatadang mai-dismiss sa serbisyo.

Sa naturang bilang, 153 ang tuluyang natanggap habang ang pito ay nakaapela pa.


Paliwanag ni Triambulo, na nitong Marso lamang ibinigay kay Dela Rosa ang nasabing rekomendasyon.

Ilan sa mga nadismiss na pulis ay sangkot sa kaso ng iligal na droga, kotong at iba pang uri ng katiwalian.

Sinabi pa ni Triambulo na 50 pulis pa ang nakapila ngayon para sa dismissal na may mga ranggong police senior superintendent.
DZXL558

Facebook Comments