Mahigit isang daang police personnels ang nakatakdang ipapakalat sa Dagupan City para sa gaganaping Kalutan ed Dalan na bahagi Bangus Festival 2025.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Dagupan City Police Station Deputy Chief of Police, PMaj. Apollo Calimlim, kabuuang isang daan at animnapu’t-dalawan mga kapulisan ang nakahanda nang aantabay sa mga kahabaan ng De Venecia Road at sa iba pang lugar na dadagsain ng mga bibisita.
Aniya, kung kinakailangan pa ng karagdagang pwersa ay maaaring magkaroon ng augmentasyon upang matiyak ang full force ng hanay sa araw ng pagdiriwang.
Samantala, inaasahan na daang libong mga turista ang muling dadayo sa Dagupan City dahil sa nakaabang na mga surpresang hatid ng world renowned Bangus Festival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









