HALOS 200 PULIS SA REGION 1, IPINADALA SA BARMM PARLIAMENTARY ELECTION BILANG ELECTORAL BOARDS

Aabot sa higit kumulang 200 pulis sa Region 1 ang ipapadala sa isasagawang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nasa 193 police personnels mula sa rehiyon ang ipinadala bilang dagdag pwersa sa pagpapanatili ng kaayusan sa gaganaping halalan.

Magsisilbing Special Electoral Board (SEB) ang mga kapulisan na dumaan sa pagsasanay ng Commission on Elections.

Nauna nang nilagdaan ng pangulo ang pagsasabatas ng pagaantala ng kauna-unahang BARMM elections sa October 13 ngayong taon.

Kaugnay nito, tiniyak ni PRO1 Regional director PBGEN Lou Evangelista na sapat ang seguridad sa rehiyon sa papalapit na halalan sa deployment ng 5,000 personnels sa mga voting centers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments