Halos 200 sex offenders, napigilang pumasok ng bansa

Manila, Philippines – Nahuli at napigilang pumasok ng bansa ng Bureau of Immigration ang halos 200 foreign sex offenders.

Ayon kay Immigration Chief Jamie Morente, ang mga ito ay hindi pinayagang makapasok ng bansa dahil wanted sila sa sex crimes sa kanilang bansa.

Kabilang dito ang 131 Amerikano, 19 na Australian, 19 Briton, 3 New Zealanders at mayroon ding mula sa Canaba, Columbia, Ireland at Guam.


Ang mga ito ay madalas nasasangkot sa child abuse, child trafficking, child pornography at iba pang malalaswang aktibidad.

Sinabi pa ni Morente na seryoso ang kanilang kampanya nang sa gayon ay maalis ang negatibong impresyon sa Pilipinas bilang sex tourism destination.

Facebook Comments