Halos 2,000 aplikante, lumahok sa Dr. Pio Valenzuela 150th Birth Anniversary Job Fair

41

Posibleng ilabas ngayong araw ang final tally ng mga na-hired on the spot sa matagumpay na 150th Dr. Pio Valenzuela Anniversary Job Fair.

Sa tala ng Valenzuela PESO, umabot sa 1,833 ang lahat ng aplikante.


Sa huling bilang, nasa 430 ang na-hired on the spot.

Umabot naman sa 122 ang lumapit sa DZXL 558 Radyo Trabaho, ang official radio partner ng Valenzuela City PESO sa job fair na ito.

Maliban sa mga hired on the spot, mataas din ang bilang ng mga pumasa para sa final interview at for requirements.

Samantala, abangan dahil iikot sa mga barangay ang RMN Barangayey! hatid ng Eveready Battery.

Sumali na sa videoke at dance contest maging sa iba pang games dahil ang mga mananalo ay makakatanggap ng papremyo.

Facebook Comments

From Advertisers