Pumalo sa halos 2,000 baboy mula sa apat na bayan ang kinatay kasunod ng nangyaring African Swine Fever (ASF) outbreak sa Leyte.
Ayon kay Chief of the Regional Agriculture and Fisheries Information Section in Eastern Visayas Francis Rosaros, kailangan nilang kumilos ng mabilis para hindi na ito kumalat pa sa ibang bayan.
Bagama’t ang munisipalidad ng Dulag pa lamang ang apektado, nagbaba ng kautusan ang ahensya tungkol sa paghihigpit ng border security at checkpoints.
Umapela rin si Rosaros sa publiko na tulungan silang pigilan ang pagkalat ng ASF.
Facebook Comments