Halos 2,000 bilanggong napalaya sa ilalim ng GCTA Law, nais pabalikin sa kulungan

Nais ni Leyte Representative Vicente Velasco III na pabalikin ang 1, 914 na bilanggo na napalaya dahil sa Republic Act No.10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Giit ni Velasco , hindi dapat makasama sa makikinabang sa batas ang mga presong nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Kabilang rito ang mga nahatulan ng drug offenses, kidnapping, arson, rape, parricide at murder.


Dagdag pa niya,  walang tamang proseso ang nangyaring pagpapalaya at dapat ituring sila bilang takas na bilanggo.

Facebook Comments