Nasa 551 pamilya o katumbas ng halos 2 libong indibidwal ang apektado ng Super Typhoon Goring sa hilagang Luzon.
Batay ito sa datos na naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ang mga apektadong pamilya o indibidwal ay nagmula sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Cagayan at Isabela.
Mula sa nasabing bilang, 213 pamilya o 832 mga indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.
Samantala, pumalo naman agad sa P40M ang naitalang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastraktura kung saan 1 bahay ang nasira, 8 kalsada ang sarado habang 2 tulay ang hindi madaanan dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyo.
Facebook Comments