Halos 2,000 indibidwal, inilikas sa Bicol dahil sa bagyong Quinta

75

Pumalo na sa 1,789 na indibidwal o 532 pamilya ang inilikas mula sa kani-kanilang tirahan sa Bicol dahil sa inaasahang pag-landfall ng bagyong Quinta sa rehiyon.

Kabilang sa mga evacuees ay mula sa Guinobatan, Albay at Canaman, Camarines Sur.


Kasalukuyan silang nananatili sa apat na evacuation centers sa mga nasabing bayan.

Samantala, nasa 662 indibidwal naman ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol gayundin ang 283 trucks, 13 light vehicles at apat na barko.

Facebook Comments