Nakapasok mismo sa Malacañang grounds ang halos 2000 mga kabataan na nagmula sa mga piling bahay-ampunan.
Sila ay sinalubong mismo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos kahapon kaugnay sa ginanap na “Balik Sigla, Bigay Saya” gift-giving day, na sabay-sabay na ginawa kahapon sa 300 satellite centers na mayroong kabuuang 17,000 kabataan sa buong bansa.
Sa talumpati ng pangulo sa aktibidad, inalala nito ang kanyang Christmas memories kasama ang kanyang ama kung saan bawat Pasko ay ginagawa ang kaparehong aktbidad sa Malacañang.
Naniniwala naman ang pangulo, na para talaga sa mga kabataan ang pagdiriwang ng pasko.
Katuwang ng Office of the President (OP) sa pagsasagawa ng aktibidad na ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga pribadong grupo na sumusuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bago naman matapos ang event kahapon ay personal na nagpasalamat ang pangulo sa mga magulang at guardian.