Halos 2,000 kaso ng child abuse, naitala ng DepEd mula 2019 hanggang 2020

Mahigit 1,800 kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan ang naitala ng Department of Education (DepEd) simula 2019 hanggang 2020.

Ayon kay Vice President at DepED Secretary Sara Duterte, ang datos na nakalap ng ahensya ay “tip of the iceberg” lamang dahil hindi pa kasama rito ang mga datos mula sa sampung rehiyon na hindi pa nagsusumite ng kanilang mga report.

Dahil dito, naglunsad ang DepEd ng website na “Learner Rights and Protection Office” at national helpline, upang maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa pang-aabuso at karahasan.


Tiniyak naman ng DepEd na patuloy nitong tututukan ang “safe space” ng mga bata, lalo na sa mga paaralan.

Facebook Comments