Halos 2,000 miyembro ng PNP, apektado ng sama ng panahon

Hindi nakaligtas sa pananalasa ng Bagyong Carina at habagat ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo nasa 1,900 mga kawani nila ang apektado ng malawakang pagbaha kahapon sa NCR.

Ani Fajardo, sa nasabing bilang 1,822 ang affected PNP personnel habang nasa 33 naman ang non-uniformed personnel.


Kasunod nito, sinabi ni Fajardo na ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na i-account at siguraduhin ang safety and security ng mga apektadong pulis.

Aniya, magbibigay ang pamunuan ng PNP ng tulong sa mga pulis at kanilang pamilya na naapektuhan ng sama ng panahon.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang humanitarian assistance and disaster response efforts ng PNP sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan, Central Luzon at Calabarzon na pawang napuruhan nang pananalasa ng Bagyong Carina.

Facebook Comments