Halos 2,000 na traditional at modern jeepneys, balik-pasada na bukas ayon sa LTFRB

Aabot sa 1,948 na Public Utility Jeepneys (PUJs) ang magbabalik-pasada na simula bukas, April 13.

Ito’y matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag na 62 ruta sa Metro Manila para sa mga PUJ.

Kabilang sa mga pinapayagang bumiyahe ay ang mga roadworthy Public Utility Vehicles (PUVs) na may valid at existing Certificate of Public Convenience o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.


Bilang kapalit ng special permit, mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB at makikita ang mga rutang pinayagang sa Facebook page ng Department of Transportation (DOTr).

Nililinaw ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe. Pinaalalahanan naman ang mga driver at pasahero na sumunod pa rin sa health and safety protocols.

Facebook Comments