Halos 2,000 pang mga pasahero, nananatiling stranded sa ilang port sa Luzon, Visayas at Mindanao

Halos 2,000 pang mga pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon sa Philippine Coast Guard, 37 ports ang apektado kung saan bukod sa mga pasahero, stranded din ang ilang truck drivers at cargo helpers.

363 rolling cargoes din ang stranded, gayundin ang 29 vessels, at 144 motorbancas.


147 na barko at 82 motorbancas naman ang nananatiling naka-shelter, kung saan kabilang sa mga apektado ang ilang ports sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments