Halos 2,000 pangalan na tumanggap ng confidential funds ng OVP, pinabeberipika ng Kamara sa PSA

Humingi muli ng tulong sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua.

Ito ay para iberipika kung may certification of birth, marriage, at death ang 1,992 na pangalan na konektado sa P500 million na confidential funds na ginastos ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

Ang naturang mga pangalan ay nakasaad sa mga acknowledgement receipt at iba pang mga dokumento na isinumite ng Office of the Vice President sa Commission on Audit.


Una rito ay sinertipikahan ng PSA na 405 sa 677 na mga pangalan na tumanggap umano ng 112.5 million pesos na confidential funds ng Department of Education sa ilalim ni VP sara ang walang record ng kapanganakan, kasal at kamatayan.

Facebook Comments