Halos 2,000 Pinoy repatriates mula Saudi Arabia at UAE, dadating sa bansa ngayong araw

Panibagong 1,950 na mga Filipino repatriates ang dadating sa bansa ngayong araw.

Ang naturang Overseas Filipino Workers (OFWs) ay sakay ng 7 flights, kung saan ay una nang dumating kanina ang 300 repatriates mula United Arab Emirates (UAE) lulan ng Philippine Airlines flight PR659.

300 repatriates din mula Riyadh, sakay ng Philippine Airlines flight PR655 ang dumating kaninang alas-09:30 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.


Alas-11:00 naman ng kaninang tanghali ay nakatakdang dumating ang 300 repatriates mula naman sa Dammam, sakay ng Philippine Airlines flight PR683.

Habang 250 repatriates naman mula sa Bahrain lulan ng Gulf Air flight GF154 ang lalapag ng alas 11:30 ng tanghali.

Alas-2:00 ng hapon ay dumating ang 250 repatriates mula Abu Dhabi, sakay ng Etihad Airlines flight EY424.

Habang ang 250 repatriates naman mula Dubai, sakay ng Emirates Airlines flight EK332 ang dadating ng alas-4:00 ng hapon.

At panghuling batch na 300 repatriates mula Jeddah, sakay ng Saudia Airlines flight SV870 ang dadating ng alas-9:00 ng gabi sa NAIA terminal 1.

Facebook Comments