Habang nananatili sa kani-kanilang tahanan ang ating mga kababayan dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Marami sa mga ito ang sumabak sa free online courses na hatid ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng kanilang TESDA Online Program (TOP).
Sa virtual presscon ni Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sinabi nito na magmula March 16 – March 29, may kabuuang 19,598 enrollees ang nakapag-signed up para sa 68 online training courses.
Patok sa ating mga kababayan ang Electrical and Electronics; Tourism; Entrepreneurship; Information and Communications Technology.
Paliwanag ni Nograles, libre ang training at kapag natapos na ang online course ay maaaring i-download ang Certificates of Completion bilang pruweba na natapos nila ang kanilang piniling online course.