Aabot sa Higit 200,000 Overseas Filipino Workers (OFW) ang nais manatili sa kanilang host countries kaysa sa umuwi ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa 343,551 OFWs ang apektado ang global health crisis, kung saan nasa 341,161 ang na-displaced.
Karamihan sa mga OFW na ayaw umuwi ay mula sa America at Europe.
Samantala, sa 42,000 OFWs na inaasahang ire-repatriate sa loob ng buwan ng Mayo hanggang Hunyo, nasa 16,679 lamang ang mapapauwi dahil kumpleto ang kanilang mga papeles tulad ng exit visas, clearances mula sa kanilang employer at ticket pauwi.
Facebook Comments