Halos 200,000 manggagawa, nawalan ng trabaho mula nitong Enero – DOLE

Umabot na sa halos 200,000 manggagawa sa pribadong sektor ang nawalan ng trabaho mula nitong Enero.

Batay sa Job Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 199,660 workers mula sa 11,035 establishments ang na-displaced mula Enero hanggang sa kasalukuyan.

Mula sa nasabing bilang ng establisyimento, 9,886 ang nagbawas ng workforce habang 1,149 ang tuluyang nagsara.


Lumalabas na 112,143 establishments ang nagpatutupad ng Flexible Work Arrangements (FWA) at Temporary Closure (TC) mula Marso hanggang Setyembre na nakaapekto sa 3,166,351 na manggagawa.

Karamihan sa displaced workers ay mula sa administrative support service at manufacturing sector.

Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng displaced workers sa bansa na nasa 99,472, kasunod ang CALABARZON (36,450), at Central Luzon (20,796).

Facebook Comments