Pumalo na sa 194,929 quarantine violators ang naitalang lumabag sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR).
Batay sa inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP), katumbas ito ng 9,746 na average violators na naiuulat kada araw.
Sa nasabing bilang, 148,161 dito ang hindi sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.
Habang 45,809 naman ang naiulat na lumabag sa curfew sa Metro Manila.
Dagdag pa ng PNP, 61% sa mga ito ang binalaan lamang; 33% ang pinagmulta at 7% lamang ang binigyan ng parusa.
Matatandaang isinailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila noong Oktubre 16 hanggang Nobyembre 4.
Facebook Comments