Halos 200k halaga ng shabu nakumpiska sa Las Piñas

Nirespondehan ng Southern Police District (SPD) ang sinasabing illegal gambling operation sa bahagi ng Gloria Compound, Pilar Village, Barangay Pilar, Las Piñas City kagabi.

Nang dakpin ng mga otoridad ang mga nagsusugal na suspek, nakuha mula sa isa sa mga ito ang 25.2 grams ng shabu.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Jenny Basillaje, 39 years old.


Ayon sa SPD nang kapkapan ang suspek nakuha dito ang droga na umaabot sa P171, 360 ang street value.

Hawak na ito ng mga otoridad at nahaharap sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments