HALOS 200K INDIBIDWAL SA REGION 1, BAKUNADO NA NG COVID-19 VACCINE

Aabot na sa halos 200,000 indibidwal sa Region 1 ang nabakunahan ng COVID-19 Vaccine ayon sa Department of Health-Center for Health Development Ilocos Region.

Sa datos ng DOH-CHD1, nasa 75,122 na frontline healthcare workers ang nabakunahan kontra COVID-19 at umabot sa 39, 050 naman ang fully vaccinated.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, nakitaan ng kagawaran ang malaking pagtaas ng mga nabakunahang health workers sa rehiyon na halos 95 porsyento na.


Tumaas na rin ang bilang ng mga senior citizen na nabakunahan ng unang dose na nasa 65, 826 at 23, 957 naman ang fully vaccinated.

Sa A3 priority group o mga adults with comorbidities ay nagpabakuna ang nasa 15, 529 indibidwal sa kanilang unang dose at 61 ang naturukan ng second dose.

Samantala, may mga naitalang adverse events following immunization o (AEFI) sa mga naturukan ng bakuna ngunit patuloy ang imbestigasyon ng kagawaran ukol dito.

Facebook Comments