Halos 22.4 million na mga mag-aaral ang magbabalik-eskwela bukas sa mga pampublikong paaralan.
Ang naturang bilang ay base sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count ng Department of Education para sa School Year 2023-2024.
Pinakamarami sa mga nagpa-rehistrong mga mag-aaral ay sa Region IV-A na umabot sa 3,446,304 na sinusundan naman ng Region III na may 2,527,661 at National Capital Region na nasa 2,468,170.
Ang Alternative Learning System (ALS) learners naman ay nagpatala sa mga barangay, community learning center at sa mga pinakamalapit na pampublikong paaralan.
Facebook Comments