Halos 22,000 COVID recoveries, naitala ngayong araw sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 21,962 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Sa kabilang dako, 20,741 ang bagong kaso habang 189 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, pumalo na sa 2,061,084 ang kabuuang kaso habang nasa 157,646 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.


Facebook Comments