Halos 22,000 inmates, napalaya sa gitna ng COVID-19 pandemic

Nasa 21,858 na inmates o Persons Deprived of Liberty (PDL) ang napalaya sa layong ma-decongest ang mga kulungan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, napalaya ang mga ito mula March 17 hanggang 13 mula sa 470 jail facilities na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa nasabing bilang 5,102 ang lumaya sa pamamagitan ng piyansa, plea-bargaining, parole o probation habang 6,756 ay napawalang-sala o natapos na ang sentensya.


409 naman ang may edad na, 621 ang mga may sakit at 24 ay mga buntis.

Ayon kay Año, patunay ito na hindi nakakaligtaan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga bilanggo lalo na ang mga matatanda, mahihina at buntis sa panahong ito ng pandemya.

As of July 15, umabot na sa 180 ang active COVID-19 cases sa BJMP kung saan 126 dito ay PDLs habang 54 ay BJMP personnel.

Facebook Comments