Halos 24-thousand OFWs, napauwi ng gobyerno sa harap ng COVID-19 pandemic

Umaabot na sa 23,729 ang bilang ng mga Pilipinong napauwi ng pamahalan mula sa iba’t ibang bansa sa harap ng COVID-19 pandemic.

Pinakahuling umuwi ang 359 karagdagang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa iba’t ibang bansa.

280 dito ay land-based OFWs mula Jeddah at Riyadh, Saudi Arabia, habang ang 15 naman ay mula sa ward ng Philippine Embassy Shelter sa Doha, Qatar.


Ayon sa Department of Foreign Affairs, otomatikong sasailalim sa 14 days home quarantine ang mga napauwing mga manggagawang Pinoy sa abroad.

Ayon sa DFA, nagtutulong tulong ang Philippine Embassies sa Riyadh, Islamabad, Doha Qatar, Paris at ang Philippine Consulates General sa Jeddah at Dubai para mapauwi ang mga Filipino mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments