Halos 250 response teams, idineploy na sa Luzon bilang paghahanda sa Bagyong Siony

Ipinadala na ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang nasa 249 response teams sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa Bagyong Siony.

Ayon kay NOLCOM Maj. Gen. Arnulfo Burgos Jr., itinalaga ang mga nasabing response team sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region (CAR) gayundin sa iba’t ibang maritime areas sa West Philippine Sea, Batanes Group of Islands at sa Philippine Rise sa Pacific Ocean.

Aniya, mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga kaukulang ahensiya hinggil sa Tropical Storm Siony.


Facebook Comments