Halos 2,500 Comelec gunban violators naitala ng PNP, pinakamarami sa mga lumabag mga sibilyan

Umakyat na sa 2,430 ang mga naarestong Comelec gunban violators ng Philippine National Police.

 

Ang ipinatutupad na Comelec gunban ay bilang paghahanda at matiyak na magiging payapa ang  gaganaping mid-term election sa Mayo.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Superintendent Bernard Banac ang 2,430 na mga Comelec gunban violators ay naitala simula January 13 hanggang kahapon March 7.


 

Pinakamarami sa mga naaresto ay mga sibilyan na umaabot sa 2,289.

 

Pangalawa sa maraming gunban violators ay mga security guards na umaabot na sa 44 sinusundan ito ng mga Government Elected Officials na umaabot sa 38.

 

23 naman sa mga violators ay mga pulis, 20 ay mga Threath Groups, 3 sundalo, 6 na miyembro ng iba pang Law Enforcement Agencies, 2 taga BJMP, 2 CAFGU, isang foreigner at 2 miyembro ng Private Armed Groups.

 

 

 

Alas-dos ngayong hapon ang inspeksyun ng DOJ Panel of Prosecutors sa  magnetic lifters na pinaglagyan ng shabu na ipinuslit sa bansa.

 

Ang occular inspection mamaya sa Bureau of Customs (BOC) ay pangungunahan ni Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat.

 

Kahapon isinagawa ng grupo ni Fiscal Sytat ang inspeksyon sa warehouse sa GMA, Cavite kung saan dinala ang ibang magnetic lifters.

 

Layon ng ocular inspection na makita ng panel ang actual na magnetic lifters dahil hindi anila sila kuntento sa mga larawan na isinumite sa kanila ng NBI at PDEA na tumatayong complainants sa 11-billion shabu shipment.

Facebook Comments