Isinagawa kahapon ang sendoff ceremony sa mga pulis na magbabantay sa halalan sa Pangasinan sa Magilas Hall, Camp Gov. Antonio Sison, Lingayen Pangasinan.
Mula sa 3, 507 na pulis sa Pangasinan, 2,408 pulis ang nakadeploy na sa iba’t-ibang polling centers upang tiyakin na magiging maayos at ligtas ang araw ng botohan.
Ayon kay Pang PPO Provincial Director PCOL. Rollyfer Capoquian, ang pagdedeploy ng naturang bilang ng pulis ay upang maipatupad ang 2 is to 1 n requirement sa mga polling centers.
Tiniyak din ng opisyal na sumailalim ang mga pulis sa iba’t-ibang paghahanda para sa Halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









