Dumating na sa bansa kagabi ang unang shipment ng Moderna COVID-19 vaccines.
Aabot sa 249,600 doses ang lumapag sa NAIA Terminal 3 pasado alas-11:00 ng gabi.
Mula sa nasabing bilang, 194,400 doses ang binili ng pamahalaan at 55,220 ang binili ng pribadong sektor.
Nabatid na aabot sa halos 20 milyong doses ng Moderna vaccines ang binili ng pamahalaan, kabilang ang pitong milyong doses na mapupunta sa mga pribadong kumpanya para mabakunahan ang mga empleyado at kanilang dependents.
Ito na ang pangalawang shipment na dumating sa bansa na may alokasyon sa pribadong sektor.
Batay sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA), ang Moderna vaccine ay may efficacy rate na 94% matapos isagawa ang human trials at maaaring iturok sa may edad 18-anyos pataas.