Umabot na sa halos 250,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi sa Pilipinas bunga ng COVID-19 pandemic ang nakauwi na sa kanilang mga probinsya.
Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula nitong October 11, nasa 248,469 OFWs ang nakauwi na sa kanilang home provinces.
Ang huling batch ay binubuo ng 2,458 OFWs na nakauwi na nitong October 10.
Ang mga OFW returnees ay binigyan ng accommodations, food, transportation at COVID testing pagkalapag nila dito sa Pilipinas.
Ang DOLE ay nagpapaabot din ng ₱10,000 o $200 cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program na layong tulungan ang mga OFWs na apektado ng pandemya.
Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong alternatibong job markets para sa mga displaced OFWs tulad ng Saudi Arabiua, Qatar, Bahrain, China, Japan, Czech Republic at Taiwan.