HALOS 250K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON NG PULISYA

Tiklop ang dalawang katao sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Pangasinan.

Nasabat sa isang 26 anyos na truck driver na high-value individual ang 25 gramo ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng umaabot sa P170, 000 sa bayan ng Aguilar.

Sakote naman ang 34 anyos na kasalukuyang nakatira sa Sual matapos itong mahulihan ng higit 11 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P75, 004, habang ang isa pang kasamahan nitong suspek ay pinaghahanap pa rin matapos itong makatakas.

Umabot sa halos P250, 000 ang nasamsam ng operatiba sa lalawigan.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang dalawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments