Aabot na sa 288 COVID-19 patients sa bansa ang kasalukuyang nakikilahok sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) na layong makahanap ng lunas laban sa sakit.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga pasyente ay naka-enroll sa clinical trials sa 20 ospital.
Mula sa 20 participating hospitals, 18 ay mula sa National Capital Region (NCR), isa sa Davao at isa ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Apat na gamot ang sumasailalim sa test at ito ay ang: Remdesivir, Chloroquine, Lopinavir-Ritonavir, at Interferon.
Sinabi rin ni Vergeire na plano rin nilang makilahok sa clinical trials ng bakuna na dine-develop ng apat na pharmaceutical firms.
Ang mga pharmaceutical firm ay nakikipag-ugnayan na sa DOH hinggil dito.