Halos 2M na bakuna kontra COVID-19, ma-i-expire na sa katapusan ng Hunyo – DOH

Ma-i-expire na ang halos dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines kung hindi magagamit hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, maglalabas pa ang ahensya ng pinal na bilang ng expiring vaccine sa katapusan ng Mayo.

Kabilang sa mga brand na malapit nang mag-expire ang Sinovac, AstraZeneca, at Pfizer.


Nagsumite na rin aniya ang Department of Health (DOH) ng demand forecast para sa 34 milyong doses ng bakuna.

Samantala, sinabi naman ni Cabotaje na ikinokonsidera ng global alliance COVAX Facility na palitan ang mga masisirang bakuna kabilang na rin ang mga bakunang hiningi ng pamahalaan mula sa pribadong sektor.

Facebook Comments