Umabot na sa halos 3 bilyong pisong halaga ng financial aid ang naipaabot ng mga local government units (LGUs) sa higit 2.9 milyong benepisyaryong apektado ng mahigpit na lockdown sa NCR Plus bubble.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, aabot na sa 2,983,424 beneficiaries ang nakatanggap na ng ayuda.
Katumbas ito ng 13-percent ng 22.9 million na katao ang target na mabigyan ng pamahalaan ng cash assistance.
Dahil dito, aabot na sa ₱2.9 billion ang nai-disburse na supplemental aid.
Mataas ang payout rate sa NCR na may 20.78% kung saan 2.3 billion pesos na cash aid na ang naibigay sa 2.3 million na benepisyaryo.
Kasunod ang Rizal na may 13.56% payout rate at 354,212 benepisyaryo na ang naabutan ng ayuda.
Nasa 128,833 recipients ang nabigyan ng ayuda sa Laguna.
Kapwa nakapagtala ng halo 3-percent payout rate sa Bulacan at Cavite, kung saan ₱83.9 million na halaga ng ayuda ang naibigay sa 83,966 beneficiaries.
Ang Cavite ay nakapamahagi na ng ₱94.4 million na halaga ng cash aid sa 94,412 low-income residents.