Manila, Philipnes – Umaabot sa mahigit 2,700 na mga banyaga ang pinagbawalang pumasok ng bansa sa unang bahagi pa lamang ng taon.
Base sa datos ng Bureau of Immigration, 2,421 ang nasakote sa Ninoy Aquino International Airport habang ang 296 na iba pa ay dumating mula sa airport ng Cebu, Davao, Clark, Iloilo, Kalibo, Laoag, Puerto Princesa, at Zamboanga City seaport.
Ayon pa sa B.I., ang mga Chinese nationals ang pinakamarami ang bilang o 1,594 ang pinagbawalang makapasok ng Pilipinas.
Sinundan naman ito ng 127 Indians, 117 Koreans, 106 Americans, 101 Vietnamese at 43 Indonesians.
Paliwanag ng Bureau of Immigration, hindi pinayagang manatili sa bansa ang mga nabanggit na foreign nationals dahil nabatid na wala silang financial capacity para sa pananatili nila sa Pilipinas.
Ang iba sa mga ito kaya na-deny ang entry sa bansa ay dahil base sa Immigration officer’s assessment ay kabilang sila banta sa safety at public health.
Isama pa dito ang mga tinatawag na illegal alien o ung mga walang kaukulang dokumento.