Halos 30 legislative measures na isinusulong ni PRRD, papaspasan na sa Kamara

Pinaplano na ng mga kongresista kung paano papaspasan ang 26 na panukalang batas na inihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA noong Lunes.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez – target nilang isalang sa plenaryo sa unang linggo ng Agosto ang mga priority bills.

Kabilang na rito ang panukalang Land Use Act, Department of Disaster Resilience, Coco Levy Fund, TRABAHO Bill at mandatory ROTC.


Aniya, pwedeng dinggin ng isang araw sa komite ang mga panukalang ito dahil naaprubahan na ang mga ito noong 17th Congress.

Kaya maaaring sa katapusan ng Agosto o Setyembre ay aprubado na ang mga ito sa Kamara.

Tiniyak din ni Romualdez na tututukan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang iba pang ipaprayoridad ng Pangulo gaya ng salary standardization, Department of Water Resources, pagpapaliban sa Barangay at SK Elections sa 2022, at Department of OFW.

Facebook Comments