
Nahuli ang nasa 28 na mga taxi, kabilang pa ang ilang habal-habal at UV express, sa isinagawang Nationwide Operation Kontra Colorum ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay PBGen. Jason Capoy, ang inisiyatibang ito ay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon para masawata na ang mga colorum na taxi at mga naniningil ng sobra-sobra sa mga pasahero nito.
Aniya, kalimitan sa mga nahuli ay mga umiikot sa airport at doon kumukuha nang kanilang malolokong pasahero para kontratahin
Kasunod nito, tiniyak naman ni PNP-AVSEGROUP PBGen. Jason Capoy na magtutuloy-tuloy ang kanilang isasagawang operasyon kasunod ng hiling sa mga taxi driver na maging patas at huwag na manloko ng kanilang kapwa.









