Matapos ang pagsasagawa ng Indonesia ng pinakamalaking single-day elections sa mundo. Higit 270 election staff ang namatay dahil sa sobrang pagod o overwork.
Ito ay dahil sa mahabang oras na manu-manong pagbibilang ng higit 200 milyong balota.
Nitong April 17 ginanap ang kauna-unahang eleksyon kung saan pinagsama ang botohan para sa presidential, national at regional parliamentary.
Sa datos ng General Elections Commission (KPU), 272 election officials ang nasawi habang 1,878 na iba pa ang nagkasakit dahil sa overwork-related illnesses.
Hinimok na ng health ministry ang mga health facilities na tutukan ang kondisyon ng mga may sakit na election staff, habang tinatrabaho na ng finance ministry ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilya ng mga namatay.