Manila, Philippines – May lupon na ng mga manggagamot na susuri sa 280 estudyante na nalantad (exposed) sa mercury spill sa Manila Science Highschool noong Marso 21.
Sa press statement ng DOH, isang medical team mula sa East Avenue Medical Center at UP-PGH ag magsasagawa ng health assessment sa mga estudyante, teachers at staff dahil sa nangyaring mercury spill.
Layon nito na matukoy kung sino ang may high level ng mercury.
Inaalam na rin ng DOH ang ulat na 2 katao ang nagkaroon ng skin rashes matapos ma-exposed sa mercury nang aksidenteng matapon sa science laboratory.
Ayon naman kay Manila DRRMO Head Johnny Yu, paiimbestigahan nila ang mga opisyal ng eskwelahan sa pagkukulang lalo na at hindi agad ipinagbigay-alam sa kanila ang insidente.
Nabatid na Marso 11 pa nangyari ang aksidente sa science laboratory habang naglilinis ang ilang guro at estudyante subalit March 21 lamang ito nai-report kung hindi pa sila inalerto ng DOH matapos maospital ang isang guro.
Kabilang sa iimbestigahan ang school principal na si Ms. Maria Eva Nacion na nagsabing noong Marso 19 lang sa kanya nai-report ng kanyang ga titser ang insidente.