Umakyat na sa 280 indibidwal ang nasawi habang nasa 600 ang sugatan sa nangyaring magnitude 6.1 na lindol sa Afghanistan.
Ayon sa mga opisyal, karamihan sa mga namatay ay mula sa Afghan Province of Paktika kung saan 255 ang mga nasawi at mahigit 200 ang mga sugatan.
Habang, 25 naman ang naitala ding namatay sa Khost Province, habang nasa 90 ang patuloy na ginagamot.
Dagdag pa ng mga opisyal, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi kung saan patuloy ang isinasagawa nilang rescue operation.
Ayon sa U.S. Geological Survey o USGC, Martes ng gabi, oras doon ay niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang eastern part ng Afghanistan.
Ang epicenter ng naturang lindol ay ang lungsod ng Khost na may lalim na 51 km.
Naramdaman din ang lindol sa katabing bansa tulad ng India at Pakistan.