Halos 300 kaso ng XBB at XBC COVID-19 variants, naitala sa bansa

Kinumpirma ng DOH ang naitalang 81 kaso ng XBB COVID-19 variants mula sa 2 rehiyon sa bansa.

Kinumpirma rin ni Health OIC Maria Rosario Vergeire ang 193 kaso ng XBC variant na naitala sa 11 rehiyon sa bansa.

Ayon kay Vergeire, sa 81 kaso ng XBB variant, 70 rito ang gumaling na habang 8 ang naka-isolate pa.


Habang inaalam ang kalagayan ng 3 iba pang kaso.

Wala naman aniyang naitalang binawian ng buhay sa naturang mga kaso.

Sa 193 naman na kaso ng XBC variant, 176 dito ay gumaling na at 3 ang patuloy na naka-isolate.

5 naman ang binawian ng buhay at inaalam pa ang sitwasyon ng 9 na iba pang kaso

Facebook Comments