Pinayagan na ng pamahalaan ang paggamit ng 295.7 million pesos para mapalakas ang kapasidad ng UP-Philippine Genome Center UP-PGC sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa sandaling mabuksan na ang naturang mga pasilidad, ang DOH Regional Offices sa Visayas at Mindanao ay hindi na kinakailangan na magpadala ng samples sa Metro Manila
Sa pamamagitan aniya nito ay mapalalakas ang bio surveillance sa bansa dahil mas maraming sample na mula sa COVID-19 patients ang maisasalang sa genome sequencing.
Sa ngayon, nasa 750 samples ang nasusuri ng UP PGC kada linggo na inaasahang madaragdagan sa pagbubukas operasyon ng PGC sa Visayas at Mindanao.
Hindi lamang aniya ito magagamit sa kasalukuyang pandemya kundi maging sa iba pang banta sa kalusugan sa hinaharap.